4 PRESO NAKAPUGA, 2 PULIS ISINELDA

PRESO-2

BACOLOD – Swak sa selda ang dalawang kawani ng Philippine National Police (PNP) matapos matakasan ang mga ito ng apat na preso sa kanilang binabantayang police station, habang pinagpapaliwanag naman ang kanilang hepe, iniulat kahapon ng umaga sa lalawigang ito.

Kinilala ang mga pulis na sina Police Corporal Orweyn Jade Nadado, desk officer, at Police Staff Sergeant Eric Olverio, mga tauhan ni Police Major Ruel Culanag, hepe ng Bacolod City Police Station 3.

Batay sa report, dakong alas-12:45 ng madaling araw nang makapuga ang mga inmate na kinilalang sina Sunny Capa, Ely Lorence, 22-anyos, kapwa residente ng Purok Mahimulaton, Brgy. Banago, Bacolod City; Michael Peñoso, 25, ng Purok Sigay, Brgy. 2, Bacolod City, pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at Jeffrey Elangos, 38, residente ng Purok Riverside, Brgy. Banago, Bacolod City, may kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Anti -Child Abuse Act.

Nakatakda namang isailalim sa inquest proceedings ang mga pulis habang patuloy na pinaghahanap ang nakatakas na mga preso.

Samantala, pinagpapaliwanag naman si Culanag na posibleng maharap sa kasong “neglect of duty under the doctrine of command responsibility”. (ANNIE PINEDA)

188

Related posts

Leave a Comment