4,000 EMPLEYADO NG KAPITOLYO NG LAGUNA, SUMAILALIM SA RAPID TEST

SUMAILALIM ang 4,000 kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna sa libreng rapid testing na isinagawa ng Laguna Provincial Health Office simula noong Mayo 21.

Ang hakbangin ay upang masiguro ang kalusugan ng frontliners at maiwasan ang pagtaas ng bilang ng mga positibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

Nagpaalala si Gov. Ramil Hernandez na paigtingin pa ang pag-iingat at pagtupad sa health protocols upang malabanan ang nakamamatay na virus.

Samantala, umakyat na sa 1,538 ang kaso ng nagpositibo sa coronavirus disease 2019 sa buong rehiyon ng Calabarzon matapos makapagtala ng panibagong 11 kaso ang DOH Center for Health Development 4-A kahapon (Mayo 31).

Ayon kay DOH 4-A Regional Director Eduardo Janairo, upang mabawasan ang mga dinadalang pasyente sa mga ospital sa Maynila bunsod ng COVID-19, binuksan na ang dalawang regional hospitals – ang Batangas Medical Center sa lalawigan ng Batangas at Southern Tagalog Regional Hospital sa lalawigan ng Cavite.

Kasabay nitong binuksan ang 2 specimen testing laboratory – ang Lucena United Doctors General Hospital sa Quezon at Dela Salle Medical Health Services Institute sa Cavite na makatutulong sa paglaban sa pandemic sa buong rehiyon na may may 15 milyong populasyon.

“We have to safeguard and protect the health and welfare of these people and at the same time, we want the region to be independent from Metro Manila in terms of medical services. This is also the best way to decongest hospitals in NCR because once we have a level 2 or 3 hospital in every province, residence need not go to Manila to get their treatment,” dagdag pa ni Janairo. CYRILL QUILO

62

Related posts

Leave a Comment