47 BOMBA NOONG WW II NAHUKAY

bomba

(NI JUN V. TRINIDAD)

LUCBAN, Quezon – Apatnapu’t-pitong mga hindi pa pumuputok na bomba ang aksidenteng nahukay sa tabi ng ilog sa bayang ito araw ng Lunes.

Sa report ni Chief Insp. Bonna Obmerga, Lucban police chief, natuklasan ang mga bomba ng mga trabahador ng Department of Public Works and Highways habang naghuhukay sa pagtatayuan ng “gravity wall” sa gilid ng Camatian River sa Barangay Tinamnan bandang alas:-10:00 ng umaga

Ang pagkakadiskubre sa mga bomba ay agad na inireport ni Roger de Rosa, DPWH foreman, sa Lucban police station.

Mabilis na nagresponde ang lokal na pulisya upang matiyak na ang mga bomba ay hindi maglalagay sa peligro sa mga manggagawa at mga residente sa lugar.

Ang mga nahukay na bomba ay pinaniniwalaang noon pang panahon ng World War II.

Ang mga bomba ay pansamantalang nasa pagiingat ng lokal na pulisya at ililipat ito ng kustodya sa mga eksperto sa militar.

10

Related posts

Leave a Comment