49 PULIS SA BAMBAN NI-RELIEVE SA PWESTO

SINIBAK sa pwesto ang 49 na pulis ng Bamban Municipal Police Station sa probinsya ng Tarlac, epektibo kahapon ng umaga, Hunyo 3, 2024.

Ito ay kaugnay umano sa isinasagawang imbestigasyon sa POGO raid sa nasabing lugar.

Pinangunahan ng hepe ng Region 3 na si PBGen. Jose Hidalgo Jr., ang turnover at relief sa mga tauhan ng nasabing istasyon dakong alas-7:30 ng umaga nitong Martes.

Pansamantalang itatalaga ang na-relieve na mga pulis sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit ng Police Regional Office 3 para sumailalim sa FORM POLICE, sa Schools for Values Formation ng PNP Training Service sa Subic.

Ang FORM POLICE ay 30-araw na programa para sa mga pulis na may layuning ‘Focused Reformation/Reorientation and Moral Enhancement’. Ito ay isang programa ng values formation and re-orientation program. Bahagi ito ng PNP internal cleansing sa pamamagitan ng patuloy na re-training program para ituwid ang mga maling gawain ng mga pulis.

Pansamantalang hahalili sa kanila ang mga tauhan mula sa 1st PMFC, 2nd PMFC, Tarlac City PS, Concepcion MPS, at Capas MPS. (NILOU DEL CARMEN)

55

Related posts

Leave a Comment