NIYANIG ng 5.5 na lindol ang Surigao Del Norte Linggo ng umaga ayon sa Phivolcs.
Ang pagyanig ay maituturing na aftershock sa magnitude 5.9 quake na naganap noong Biyernes ng gabi. Ang lindol kaninang alas-6 ng umaga ay may lalim na 44 kilometro at ang epicenter ay nasa
42 kilometro sa east ng General Luna, ayon pa sa Phivolcs.
Naitala naman ang intensity 1 sa kalapit na Gingoog town sa Misamis Oriental ganundin sa Cebu City.
Hindi naman inaasahan na magkakaroon ng major damage ang pagyanig, ayon sa Phivolcs.
158