5,000 LOOSE FIREARMS BABAWIIN SA BACOOR

guns

(NI ROSS CORTEZ)
BAGO pa man pormal na pasimulan ang national gunban at Comelec checkpoint kagabi, ilang Bacooreño na ang kusang-loob na nagsuko ng kanilang baril sa Bacoor Component Police Station.
Sa pagtataya ng Bacoor Police, nasa 5,000 ang nakarehistrong loose firearm sa lungsod na tyatyagain nilang katukin at himukin na isuko ang mga baril kesa maaplayan ng search warrant at makasuhan
Sabado ng gabi, pinasimulan na sa lungsod ang paglalatag ng Comelec checkpoint, pinatitigil ng mga pulis ang bawat motorista na dumaraan, titingnan ang mga lisensya ng driver at rehistro ng mga sasakyan.

At bagama’t may konting abala sa trapiko, aprub naman ito sa ilang motorista na sinabing mas nakakabuti ito at nagiging ligtas pa maging sa ibang motorista sa posibleng karahasan sa kalsada.
Inaasahan din ng pulisya na mas marami pa ang magkukusa na magsuko ng kanilang mga baril sa mga susunod na araw habang papalapit ang eleksyon sa Mayo.

114

Related posts

Leave a Comment