6-ANYOS HINALAY NG TIYUHIN

QUEZON – Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 11648 o statutory rape ang isang 42-anyos na construction worker matapos na halayin ang 6-anyos na batang babaeng anak ng kanyang hipag sa Brgy. Pilaway, sa bayan Infanta.

Ayon sa report ng Infanta Police, nangyari ang panghahalay sa bahay mismo ng suspek dakong alas-6:00 ng gabi noong Huwebes.

Batay sa imbestigasyon, pumasok ang bata sa kuwarto ng suspek para kumuha ng biscuit subalit nang palabas na ito ay pumasok din ang tiyuhin at inihiga ang biktima sa kama saka ginahasa.

Pinalabas lamang ng suspek ang bata nang marinig nito na hinahanap ang biktima ng kanyang nanay.

Umiiyak naman na nagsumbong ang bata sa kanyang nanay hinggil sa ginawa sa kanya ng suspek.

Bunsod nito, agad sinampahan ng kaso ng ginang ang suspek sa himpilan ng pulisya.

Naaresto ng nagrespondeng nga pulis ang suspek na nakakulong na sa Infanta Police Station custodial facility at nakatakdang sampahan ng kaso. (NILOU DEL CARMEN)

60

Related posts

Leave a Comment