7-ANYOS NAKURYENTE SA LOOB NG BAHAY

DAVAO del Sur – Namatay ang isang 7-anyos na batang babae makaraang makuryente sa bayan ng Sta. Cruz sa lalawigang ito noong Biyernes.

Kinilala ni Major Crisaldo Gaila, hepe ng Sta. Cruz Municipal Police Station, ang biktimang si Rhyna Mie Canane, Grade 2 pupil at residente ng Sitio Baybay, Brgy. Astorga.

Sinabi ni Gaila, kalalabas lang ng bata matapos maligo sa kanilang banyo at lumapit sa isang electrical socket upang isaksak ang ilaw nang biglang mangisay.

Agad nagresponde ang mga awtoridad at dinala ang biktima sa Medcore Hospital ngunit wala na itong buhay.

Ayon kay Gaila, basa ang kamay ng bata nang isaksak ang electric plug kaya’t nakuryente.

Hindi pa masabi ni Gaila kung nasaan ang mga magulang ng bata nang mangyari ang insidente.

Paalala ng mga awtoridad sa mga magulang, bantayang maigi ang mga anak para malayo sa anumang kapahamakan.  (DONDON DINOY)

63

Related posts

Leave a Comment