8 HEALTH WORKERS SA DIGOS CITY, NAHAWA SA COVID

DIGOS City – Walo sa siyam na bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa lungsod ay health workers, ito ang ibinunyag ni Mayor Josef Cagas nitong Linggo. Ayon kay Cagas, ang nasabing health workers ay mga empleyado ng Davao del Sur Provincial Hospital.

Mula sa dalawa, nakapagtala ang City Health Office (CHO) ng pag-akyat ng kaso ng COVID-19, sa siyam noong Biyernes. Sinabi naman ni Dr. Ronald Jumilla, Digos City health officer, ang walo ay hindi nagpakita ng nga sintomas sa sakit ngunit kasalukuyang inilagay na sa isolation ng provincial hospital. (DONDON DINOY)

83

Related posts

Leave a Comment