84 TRUCK, BUS STRANDED KAY SAMUEL

SURIGAO CITY – UMABOT sa 84 truck at bus ang stranded sa labas ng Lipata Port sa Surigao City nitong Martes nang kanselahin ang mga biyahe ng RORO vessels noong Lunes dahil sa epekto ng bagyong Samuel.

Nabatid na mahaba  na ang pila ng mga nakaparadang cargo truck at dumarami  dahil sa pagdating ng ilan pa mula sa ibang lugar.

Idinaing ng ilang mga driver na nasisira ang karga nilang mga gulay na ibabiyahe papuntang Tacloban.

Kung sa Miyerkoles ay hindi umano rin sila makasasakay ng barko, mabubulok na umano ang kanilang gulay.

Sinabi ng Terminal Management Office ng Lipata, hindi nila pinapasok ang lahat ng truck at bus para sa kanilang kaligtasan.

Bukod sa delikado ang terminal ng barko kapag may bagyo dahil sa posibleng storm surge.

Nabatid na stranded din ang ilang pasahero at nananatili sa terminal.

Kapag itinaas sa Public Cyclone Warning Signal No. 2 ang bagyo ay mapipilitang ilipat ang lahat ng mga na-stranded na pasahero sa designated evacuation center.

92

Related posts

Leave a Comment