9 BAYAN SA CAMSUR LUBOG PA SA BAHA

NAKALUBOG pa rin sa baha ang siyam na bayan sa Camarines Sur dulot ng pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine.

“So, in CamSur right now as of about one hour, of the 36 towns, nine towns are still fully submerged. Around six towns are partially submerged,” ibinalita ni Pangulong Bongbong Marcos.

”But the province has been very, very quick in distributing house-to-house food distribution and every area has already been reached. And we are augmenting the provinces’ food supplies so that patuloy ang ating relief,” aniya pa.

Ang pagbabyahe sa mga kalakal ay nananatiling pangunahing alalahanin gayunman, tiniyak ng Pangulo ang ikakasang airlift capability sa lalawigan.

”But we have set up triage camps on both sides of Maharlika Highway that is presently now still cut off. So, those are providing food and medicines onsite,” saad ng Pangulo.

Sa ulat, ang Naga City, Camarines Sur ay kabilang sa nakaranas ng matinding hagupit ng bagyo kung saan may mga residente na na-trap sa kanilang bahay dahil sa mataas na level ng tubig-baha.
May 30% ng land area ng Naga naman ang iniulat na lubog pa rin sa tubig-baha, naapektuhan ang 70% ng populasyon ng naturang bayan.

Ang flash flood sa Naga ay bunsod ng malakas na pag-ulan, high tide, umapaw na Bicol River, at pagtatapon ng tubig mula sa Mount Isarog, ayon sa local disaster management office. (CHRISTIAN DALE)

37

Related posts

Leave a Comment