ALERT LEVEL 1 ITINAAS SA BULKANG TAAL

ISLA NG TAAL

INILAGAY sa alert level 1 ang bulkang Taal matapos makapagtala ng limang volcanic earthquakes sa paligid nito, umaga ng Huwebes.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), bukod sa pagyanig ay nakapagtala rin ng weak steaming o fumarolic activity ang bulkan.

Babala ng Phivolcs, nagbabanta pa rin sa pagputok ang bulkang Taal, pagkakaroon ng volcanic earthquakes, at mahinang pagbuga ng ashfall at volcanic gas.

Nananatiling bawal ang pagpasok ng sinoman malapit sa bulkan.

Pinaalalahanan din ng ahensya ang mga local government unit na patuloy na maging alerto sakaling kailanganing ilikas ang mga residente na naninirahan malapit sa bulkan.

132

Related posts

Leave a Comment