ANAK NAPATAY NG PULIS

RIZAL – Boluntaryong sumuko sa Cainta Police ang isang pulis makaraang mabaril at mapatay ang kanyang sariling anak sa nasabing bayan sa lalawigang ito.

Kinilala ang suspek na si P/Ssgt. Pepito Difuntorum Jr., 41, nakatalaga sa Cainta Police Mobile Police Station, habang ang biktima ay sarili nitong anak na si Paolo Difuntorum, 20, kapwa ng Bohol Street, DM 2 Subdivision, Brgy. San Roque, Cainta, Rizal.

Batay sa imbestigasyon ni P/Ssgt. Auggie Baicaure, masayang nag-iinuman ang suspek at asawa nito sa kanilang bahay nang magkaroon sila ng pagtatalo.

Hanggang sa itinulak ng suspek ang kanyang asawa. Nasaksihan ito ng biktima kaya nilapitan ang ama ngunit itinulak din siya ng suspek.

Pagkaraan, binunot ng suspek ang kanyang baril at nagpaputok naging dahilan upang tamaan ng bala ang biktima sa tiyan

Isinugod ang biktima sa Cainta Hospital ngunit nalagutan ng hininga makaraan ang ilang oras. (KNOTS ALFORTE)

91

Related posts

Leave a Comment