ANOTHER MARCO JUMPS FROM STAR MAGIC TO VIVA

(NI ASTER AMOYO)

MATAPOS maging Star Magic talent for three years, isa nang Viva contract artist ang Fil-Italian ex-“PBB” housemate-turned-actor na si Marco Gallo matapos itong lumagda ng exclusive management contract with Viva Artists Agency (VAA) nitong Huwebes ng hapon in the presence of Viva’s big boss, Boss Vic del Rosario, Jr. and his daughter na si Veronique del Rosario-Corpus na head ng VAA.

Ayon sa 18-year-old actor, maayos umano siyang nagpaalam sa Star Magic.

Si Marco ay pangalawang Marco na lumipat from Star Magic to VAA.  Nauna si Marco Gumabao na isa na ngayong certified leading man.

Inamin ni Marco Gallo na may mga gusto umano siyang gawin sa tulong ng Viva although ayaw pa niyang i-share kung ano ito.

Given the chance, gusto niyang makatrabaho ang nob­ya at ka-loveteam ni James Reid na si Nadine Lustre na nasa bakuran din ng Viva.

“It would be an honor kung makakatrabaho ko rin po sina Sarah Geronimo at Anne Curtis at iba pang stars ng Viva,” pahayag ni Marco na aminadong kabado sa kanyang pagharap sa entertainment media.

Inamin din nito na kahit sandali lang ang naging relasyon nila ng unica hija nina Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez na si Juliana Gomez, nananatili umano silang magkaibigan. Mutual daw ang naging desisyon nila ni Juliana na tapusin ang kanilang relasyon lalo pa’t magkakalayo sila noon nang mag-desisyon si Marco na (pansamantalang) tumalikod sa kanyang showbiz career para bumalik ng Italy at ipagpatuloy ang kanyang studies.

“But things didn’t work out the way I wanted it,” aniya. “Nu’ng nasa Italy na ako, bigla kong na-miss ang Pilipinas, my work here and my friends,” pagtatapat niya.

Ang dati niyang kasamahan sa “PBB” na si Edward Barber ang kanyang closest friend at sa kanya umano niya natutunan ang pagsasalita ng Ingles. “We’re like brothers (ni Edward),” pag-amin ni Marco na nag-iisang anak ng kanyang Italian father at Filipina mother.

###

Kakaiba ang ginawang marriage proposal ng panganay na anak ng dating PBA superstar na si Alvin Patrimonio na si Angelo sa kanyang model girlfriend na si Jasmine Maierhofer sa curtain call ng isang fashion show kung saan si Jasmine mismo ang nasa finale.

Si Jasmine ay isang Fil-Australian model na lumaki sa Puerto Galera kung saan may sariling beach resort ang kanyang parents, ang Tropicana Castle. Si Angelo naman ay isang actor.

Although pareho pang bata sina Angelo at Jasmine, handa na rin ang mag-asawang Alvin at Cindy na magkaroon ng bagong karagdagan sa kanilang pamilya.

 

326

Related posts

Leave a Comment