Aplikanteng trabahador, hitman pala FARM OWNER ITINUMBA SA QUEZON

0

QUEZON – Patay ang isang farm owner makaraang barilin ng isa sa dalawang lalaking nag-a-apply na trabahador sa kanyang bukid sa bayan ng Infanta sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Salvador Recto Lorella, 38, residente ng Barangay Magsaysay.

Ayon sa ulat ng Infante Police, dakong alas-7:40 ng gabi nang dumating sa bahay ng biktima ang dalawang hindi kilalang mga suspek.

Hinanap ng mga ito ang biktima at sinabi sa misis nito na mag-aaplay sila bilang magtatabas sa kanilang bukid.

Ngunit nang lumabas ang biktima, sinalubong ito ng mga putok ng baril.

Mabilis na tumakas ang mga suspek habang isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor.

Pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang dalawang suspek at inaalam ang motibo sa krimen. (NILOU DEL CARMEN)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment