APPOINTMENT NI PIÑOL TINANGGAP NA NI MURAD

pinol22

(NI BONG PAULO)

TINANGGAP ni BARMM interim chief Al Hajj Ebrahim Murad ang appointment ni Agriculture Secretary Manny Piñol bilang bagong pinuno ng Mindanao Development Authority (MinDA).

Sinabi ni Pangulong Duterte na ito ay matapos ang kanilang pulong ni Murad.

Sa ngayon, ayon sa Presidente, inaayos na lamang nila ni Murad ang paglilipat ni Piñol.

Naniniwala ang Pangulo na malaki ang maitutulong ni Piñol dahil sa Mindano ito ipinanganak at lumaki, naging magsasaka at naging gubernador din ng North Cotabato.

Sinabi naman ni Murad na welcome sa kanila ang pagtatalaga kay Piñol basta sa paraan lamang na itinakda ng Pangulo ang magiging papel nito bilang extension ng kanyang supervisory work ni Duterte.

Samantala, magandang balita para sa 80 mga opisyal at mga mangagagawa ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao  (BARMM) dahil matatanggap na nila ang kanilang suweldo.

Isa kasi ito sa mga tinalakay nina Pangulong Duterte at BARMM interim chief minister Al Haj Murad Ibrahim sa kanilang pulong sa Malacañang kagabi.

Kabilang sa ilalabas na pondo ng gobyerno ang P59-69 million para sa kabuuang anim na buwang sahod ng mga taga-BARMM.

Nabatid na naantala ang pagpapasahod sa mga opisyal ng BARMM mula nang magsimula silang magtrabaho nitong Pebrero ngayong taon.

Ito’y dahil hindi pa kasali sa naipasang 2019 national budget ang pondo para rito at ang pina-iikot lamang nilang budget ay mula sa natirang pondo ng dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

146

Related posts

Leave a Comment