ARAW-ARAW NA CHRISTMAS PARADE NILARGA SA SAN JOSE DEL MONTE

SA pagnanais mabigyang kasiyahan ang mga residente ng San Jose Del Monte City, Bulacan, inilunsad ng pamahalaang lokal ng lungsod ang “Christmas Parade” nitong Martes na ang mga kalahok ay hango mula sa Disney characters.

Ito na ang ikalawang taon ng Christmas Parade na pinangunahan ni SJDM Rep. Florida “Rida” P. Robes na inilunsad sa Savano Park sa lungsod kung saan ilang mga timbulan o floats ang pumarada, sakay ang mga lumahok na hango sa Disney characters.

May kasama ring mga mananayaw o street dancers ang mga timbulan habang pumaparada patungo sa mga pangunahing lansangan na labis na ikinagalak ng mga residente at mga manonood.

Sinabi ni Robes na ang parada ay iikot sa lahat ng mga pangunahing lansangan sa lungsod sa loob ng isang buwan upang maghatid ng kasiyahan at halakhak sa mamamayan, lalo na sa mga bata ngayong panahon ng Kapaskuhan.

“Christmas is for the children and it is the aim of this parade to bring cheer to the people especially the young and young at heart as we celebrate the Christmas season. We want to have a fun-filled and merry Christmas for every San Joseño,” pahayag ni Robes.

8

Related posts

Leave a Comment