ARMADO PATAY, 7 PA HULI SA BUY-BUST

BULACAN – Patay ang isang armadong lalaking nagtangkang buksan ang isang remittance center ngunit nakorner ng mga awtoridad habang tumatakas lulan ng tricycle sa Brgy. Maasim, San Indelfonso habang habang pitong umano’y drug peddler, kabilang ang isang mag-asawa at anak, ang natimbog sa Meycauayan City, Guiguinto at San Jose del Monte City sa lalawigang ito, noong Sabado.

Base sa report ni P/Major Russel Dennis Reburiano, chief of police ng San Ildefonso Municipal Police Station, kay P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan Police director, kinilala ang napatay na si Aaron Kliatchko y Leonardo.

Samantala, kinilala naman ni P/Lt. Col. Bernardo Pagaduan, Meycauayan City police chief, ang arestadong hinihinalang mga tulak ng ilegal na droga na sina Rolando Pangan Jr., 38; Joseph Partido, 21; Angelica Abacan, 47; mag-asawang sina Emma Ramirez, 43, at Ernesto Ramirez, 45, at kanilang anak na si Manuel Ramirez, 19-anyos.

Nasa pangangalaga naman ng tanggapan ni P/Major Rolando Geronimo, chief of police ng Guiguinto Municipal Police Station, ang isang 16-anyos na binatilyo na nakumpiskahan ng ilegal na droga sa Barangay Tabang, Guiguinto. (GINA BORLONGAN)

93

Related posts

Leave a Comment