BABAE PINATAY NG KA-DATE SA HOTEL

CAVITE – Pinaghahanap ng Cavite Police ang isang lalaki na responsable sa pagpatay sa isang babae na kanyang kasama nang pumasok sa isang hotel sa Dasmariñas City noong Miyerkoles ng madaling araw.

Ang suspek na si alyas “Rommel”, na may address sa Maybangcal, Morong, Rizal ang itinuturong pumatay sa biktimang isang 40 hanggang 50-anyos na babae.

Ayon sa ulat, bandang ala-1:57 ng madaling araw noong Miyerkoles nang mag-check-in ang suspek at biktima sa Room 304 ng Solfacio Hotel sa Brgy. Zapote 1, Bacoor City, Cavite ng 12 oras.

Bandang alas-6:30 ng umaga nang bumaba ang suspek at nagpaalam sa receptionist na bibili lamang ito ng makakain sa labas, gayunman sinabihan ito na kinakailangang sabihan muna ang kanyang kasama sa kuwarto bilang protocol ng hotel.

Gayunman, balisang nagmamadaling umalis ang suspek kaya’t umakyat ang staff ng hotel sa kuwarto ng dalawa kung saan bumungad sa kanila ang duguang katawan ng biktima habang nakahiga sa kama at wala nang buhay.

Nakita rin sa tabi ng biktima ang isang patalim na hinihinalang ginamit sa pagpatay, isang backpack na dala ng suspek pagpasok ng hotel at isang ID nito.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang motibo ng suspek sa pagpatay sa biktima. (SIGRED ADSUARA)

52

Related posts

Leave a Comment