Bagong kasal, 4 pa missing, 1 natagpuang patay 17 PASAHERO NG PICK-UP TRUCK TINANGAY NG BAHA

CEBU – Labing-pitong katao na sakay ng isang pick-up truck ang tinangay ng rumaragasang tubig baha noong Lunes, kabilang ang anim na patuloy na pinaghahanap at isang 11-anyos na bata na natagpuang patay na.

Ayon sa ulat ng local Office of Civil Defense at ng Cebu PNP, sakay ang 17 magkakamag-anak ng isang pulang Isuzu DMax pick-up truck nang biglang lumaki ang tubig sa ilog sa Barangay Cantumog, bayan ng Carmen, Northern Cebu Province, kaya naanod ang mga sakay nito habang tumatawid sa ilog.

Sa 17 pasahero, sampu ang iniulat na nakaligtas, anim ang reported missing kasama ang bagong kasal na kinilalang sina Elmer Costan, 27, at Rhizza Mae Ypil, 27, nang mapadpad sila sa Sitio Mangitngit, Brgy. Lower Natimao-an, Carmen, Cebu noong Lunes.

Nabatid na mabilis ding nakaresponde ang rescue team mula sa bayan ng Carmen at Catmon, at City of Danao rescue team.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), galing sa isang resort ang mga indibidwal at pauwi na.

Gayunpaman, dahil sa malakas na pag-ulan, biglang umapaw ang ilog sa barangay road na dinaraanan ng sasakyan.

Nagpapatuloy pa ang search rescue operation para sa mga nawawala. (JESSE KABEL RUIZ)

61

Related posts

Leave a Comment