BAHAY, MOTOR SINALPOK NG TRUCK, 3 PATAY

BATAAN – Tuluyan nang hindi nagising ang natutulog na dalawang babae, at isang rider ang namatay rin makaraang araruhin ng trailer truck ang isang motorsiklo at isang bahay sa Purok 5, Barangay Bangal, sa bayan ng Dinalupihan sa lalawigan.

Dead on the spot ang tatlo matapos na salpukin ng truck ang isang motorsiklo bago nagtuloy-tuloy sa isang bahay kung saan natutulog ang dalawang biktima.

Ayon sa ulat ng Dinalupihan Municipal Police Office, kinilala ang namatay na motorcycle rider na si Eunice Ann Gonzales, 26, ng Olongapo City, namatay naman sa loob ng kanilang bahay sina Glenda Agustin, 50; at Roxanne Agustin, 28, residente ng Purok 5.

Lumitaw sa paunang imbestigasyon, nawalan umano ng preno ang truck na minamaneho ni Billy Jo Villoria, 23, kaya nasalpok ang motorsiklo na minamaneho ni Gonzales.

Kasunod nito, nagtuloy-tuloy pa ang truck at sinalpok ang bahay kung saan natutulog ang pamilya Agustin na naging dahilan ng pagkamatay ng dalawang biktima.

Target ng manhunt operation ang driver ng truck na agad tumakas palayo sa incident site habang nasa kustodiya na ng Dinalupihan Police ang helper nito. (JESSE KABEL RUIZ)

77

Related posts

Leave a Comment