BAHAY NG PULITIKO SA ZAMBO BINOMBA

zambo

(NI AL JACINTO)

ZAMBOANGA CITY – Isang bomba ang sumabog sa bahay ng isang barangay kagawad sa Zamboanga City, ngunit masuwerteng walang nasawi o sugatan sa atake, ayon sa pulisya kahapon.

Sinabi ni Chief Insp. Helen Galvez, regional police spokeswoman, na iniwan ang bomba sa bahay ni Henry Gregorio sa Barangay Tagasilay at ito ay sumabog dakong alas-2:50 ng umaga kamakalawa. Ayon kay Gregorio, may isang lalaking naka-motorsiklo ang nagpunta sa bahay nito kamakailan at tinanong kung siya ba ang kagawad at nang ito ay kanyang sagutin ay bigla na lamang humarurot itong palayo.

Hindi pa mabatid kung suspek ng pulisya ang hindi pa kilalang lalaki at wala rin umako sa pagsabog.

Sinusuri na ngayon ng pulisya ang mga nabawing debris sa pagsabog at patuloy ang imbestigasyon sa kaso. Hindi pa mabatid ang motibo sa atake ngunit isa sa mga suspetsa ng pulisya ay “personal grudge”.

Naunang iniutos ni Mayor Beng Climaco sa militar at pulisya ang mahigpit na seguridad dito matapos sumabog ang isang bomba nitong bisperas ng Bagong Taon sa harapan ng South Seas Mall sa Cotabato. Dalawa ang nasawi at 47 ang sugatan sa nasabing pambobomba na iniuugnay ng militar sa mga pro-ISIS militants.

5

Related posts

Leave a Comment