BAHAY SINILABAN NG SELOSONG MISTER

0

BATANGAS – Natupok ang isang bahay makaraang silaban ng isang 25-anyos na lalaki dahil sa matinding selos sa kanyang live-in partner sa Brgy. San Agustin, sa bayan ng Sto. Tomas sa lalawigang ito, nitong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ng Sto. Tomas City Police ang suspek na si Joe Anthony Jumaquin, 25, habang ang live-in partner nito ay si Judy Gomez Antioqia, 20.

Batay sa ulat, bandang ala-1:30 ng madaling araw, nakatanggap ng tawag ang pulisya mula sa mga residente ng Brgy. San Agustin hinggil sa nasusunog na isang bahay.

Agad pinuntahan ito ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection ng Sto. Tomas upang apulain ang sunog.

Base sa imbestigasyon ni FO3 Ralph Columna, nag-away ang mag-live-in partner dahil sa pagseselos ng suspek.

Pagkaraan ay sinilaban ng suspek ang kanilang mga gamit sa kwarto naging dahilan ng pagkalat ng apoy at natupok ang buong bahay.

Agad namang sumuko sa mga awtoridad ang suspek na sobrang nagsisisi sa kanyang ginawa.

Tinatayang P120,000 ang halaga ng natupok na mga ari-arian dahil sa insidente. (CYRILL QUILO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment