BANGKA NA MAGHAHATID NG BAKUNA LUMUBOG

QUEZON – Lumubog ang isang bangka na may kargang mga ide-deliver na COVID-19 vaccine matapos na ito ay sumabit sa isang kongkretong poste na nasa gitna ng tubig sa bayan ng Real sa lalawigang ito, noong Huwebes ng umaga.

Nailigtas naman ang walong sakay nito at nasagip din ang lalagyan ng mga bakuna at nailipat sa ibang bangka.

Batay sa report ng Real Police, bandang alas-7:00 ng umaga nang lumubog ang bangka na pag-aari ng Department of Agriculture ng bayan ng Polillo, Quezon, hindi pa kalayuan sa pantalan ng Real.Dadalhin sana ang mga bakuna sa mga islang bayan ng Burdeos at Polillo.

Sakay ng bangka ang apat na police escort mula sa bayan ng Polillo, at isang health official ng Polillo LGU.

Kasama rin sa biyahe sina Romantico Lopez at Eduardo Alonzo na parehong taga DOH Calabarzon Regional Office.

Ayon kay Prudencio San Jose, 56, operator ng motorbanca, hindi siya pamilyar sa lugar kaya hindi niya alam na may lumang kongretong poste na bahagyang nakalubog sa tubig na nabangga ng bangka. (NILOU DEL CARMEN)

33

Related posts

Leave a Comment