BEBOT INATADO NG LIVE-IN PARTNER

BATANGAS – Patay na nang madatnan ng mga pulis ang isang babae makaraang pagsasaksakin ng live-in partner nito sa kanilang bahay sa Brgy. Trapiche, Tanauan City, sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi.

Batay sa report ng Tanauan City Police, tadtad ng saksak sa katawan nang matagpuan ang biktimang si Mary Grace Badilla Cortez sa kanilang bahay dakong alas-11:10 ng gabi.

Nabatid sa imbestigasyon, nag-away ang biktima at ang live-in partner nitong si Mart Anthony Guiang sa hindi nabatid na dahilan.

Naging mainitan ang pagtatalo na humantong sa pananaksak ng lalaki sa biktima gamit ang kutsilyo.

Makaraan ang krimen, mabilis na tumakas ang suspek patungo sa masukal na lugar.

Pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang suspek na nahaharap sa kasong homicide. (NILOU DEL CARMEN)

49

Related posts

Leave a Comment