BINATA BINARIL SA ULO NG LIVE-IN PARTNER NG GF

QUEZON – Patay ang isang 24-anyos na binata matapos barilin ng live-in partner ng babaeng kanya ring karelasyon sa Barangay Kulapi, sa bayan ng Lucban sa lalawigan noong Linggo ng hapon.

Kinilala ng biktimang si Reggie Nagar, residente ng Brgy. Malupak, Lucban.

Ayon sa report, dumating ang biktima sakay ng motorsiklo at bibili ng sigarilyo sa tindahan nang barilin ng dalawang beses sa ulo ng nag-aabang na suspek na kinilala sa pangalang “Mark”, 29-anyos.

Agad ding tumakas ang suspek matapos ang pamamaril habang isinugod naman ng mga kaanak ang biktima sa ospital subalit idineklarang dead on arrival ng doktor.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, sinasabing selos ang dahilan ng pamamaril matapos malaman ng suspek na ang kanyang live-in partner ay karelasyon din ng biktima.

Pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang tumakas na suspek na nahaharap sa kasong murder. (NILOU DEL CARMEN)

37

Related posts

Leave a Comment