BINATANG NAGTAMPO SA INA, NAGBIGTI

CAGAYAN – Nagbigti ang isang 21-anyos na binata makaraang hindi payagan ng kanyang inang OFW na puntahan ang kanyang ama, noong Biyernes ng gabi sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktimang si Meljohn Gagala, residente Brgy. Cadcadir East, Claveria, Cagayan.

Batay sa report ng Claveria Police Station, dakong alas-11:30 ng gabi nang matagpuang nakabigti ang biktima sa loob ng kanilang bahay.

Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya, nabasa sa cellphone ng biktima ang palitan nila ng mensahe ng ina habang nagpapaalam si Gagala na pupuntahan ang kanyang ama.

Ngunit hindi umano pumayag ang ginang kaya nagbanta ang biktima na siya ay magpapakamatay na lamang. (ANNIE PINEDA)

59

Related posts

Leave a Comment