BIYAHENG ILOILO-GUIMARAS STRAIT OK NA BUMIYAHE

iloilo44

(NI HARVEY PEREZ)

INALIS na ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang ipinatupad na suspension order laban sa   biyahe ng mga motorbanca sa Iloilo-Guimaras Strait  dahil na rin sa paglubog ng tatlong motorbanca, na ikinasawi ng 31 katao.

Nakasaad sa  memorandum ni Marina Regional Director Jose Venancio Vero Jr.,  inalis na ang ipjnatupad na suspension of authority to operate sa Guimaras patungong Iloilo at pabalik, upang masolusyunan ang problema sa pagdami ng mga pasaherong stranded sa Guimaras.

Ang pag-alis ng suspension order ay may kaakibat na kondisyon tulad ng   pagtiyak na ang mga pasahero ay laging nakasuot ng life jackets sa buong paglalayag at 75 porsiyento lamang ng authorized capacity ng isang motorbanca ang dapat nitong isakay.

Dapat din na nakarolyo o tuluyan nang tanggalin ang mga tarpaulin o canvass at may mga karampatang signals o equipment ang mga bibiyaheng motorbanca.

Papayagan lamang  maglayag ang isang motorbanca kung maganda ang panahon at mula pagsikat ng araw hanggang paglubog lamang nito, upang matiyak na hindi na mauulit pa ang naganap ang trahedya sa lugar.

Una nang  sinuspinde ng Marina ang operasyon ng mga motorbanca sa nasabing lugar dahil sa malagim na aksidenteng kinasangkutan ng tatlong bangkang de motor, na nagresulta sa pagkamatay ng 31 pasahero nito.

Iniutos rin  ni  Transport Secretary Arthur Tugade ang pagsibak sa anim na opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG) at Marina dahil sa naturang triple sea tragedy.

175

Related posts

Leave a Comment