BOARD SECRETARY PATAY SA AMBUSH

crime22

(NI JG TUMBADO)

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ng tatlong armadong lalaki ang provincial board secretary sa bayan ng Maramag, Bukidnon Linggo ng ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Roland Lacson, 45, residente ng purok 3B, Sitio Magsaysay, Barangay Kuya sa nabanggit na bayan.

Lumalabas sa ulat ng Maramag Municipal police, patungo sana sa bayan ang biktima kasama ang kanyang ama at pamangkin sakay ng kotse nang bigla itong harangin ng isang kulay puting Toyota Fortuner na walang plaka at sunud- sunod itong pinaputukan ng tatlong hindi pa matukoy na sakay na lalaki.

Dead on the spot si Lacson bunsod ng ilang tama ng bala sa kanyang ulo at katawan habang nasa ligtas namang sitwasyon ang ama at pamangkin nito.

Bumuo na ng Special Investigation Task Group (SITG) ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kasama ang Maramag police upang agad matukoy ang mga nasa likod ng krimen at kung ano ang motibo nito.

6

Related posts

Leave a Comment