BOMBA SA MOTORSIKLO SUMABOG SA CHECKPOINT

motor300

(NI JG TUMBADO)

PINASABOG ng isang hindi pa kilalang lalaki ang kanyang sinasakyang motorsiklo gamit ang itinanim na improvised explosive device (IED) malapit sa isang police at army checkpoint sa Barangay Tambunan, Talayan, Maguindanao Martes ng tanghali.

Ayon kay Major Arvin Encinas, tagapagsalita ng 6th Infantry Division-Philippine Army, pasado alas 3 ng hapon ng sumabog ang motorsiklo ilang metro ang layo sa isang checkpoint na ipinatutupad ng AFP at PNP sa naturang lugar.

Base sa paunang imbestigasyon, papalapit na sana sa checkpoint ang motor lulan  ang isang lalaki nang biglang bumuwelta pabalik at iniwan na lamang ang motorsiklo at ilang Segundo pa ay sumabog na ito.

Inaalam naman sa imbestigasyon kung ang naturang pagsabog ay may kaugnayan sa ginaganap na plebesito para sa Bangsamoro Organic Law o BOL sa Miyerkules, Pebrero 6.

Pero paglilinaw ni Encinas na walang kinalaman sa plebesito sa north cotabato ang pagsabog. Patuloy aniya ang imbestigasyon kung ano talaga ang motibo at kung sino ang nasa likod ng pagpapasabog. Nakikipag- ugnayan na rin ang PNP sa Land Transportation Office (LTO) para malaman kung sino ang may ari ng motorsiklo.

148

Related posts

Leave a Comment