BRITON PATAY SA AKSIDENTE SA LAGUNA

LAGUNA – Binawian ng buhay ang isang British national makaraang sumalpok ang minamanehong kotse sa isang poste sa Sta. Rosa City noong Linggo ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Stephen John Worland, 68, residente ng Avida Settings Nuvali, Canlubang, Calamba City.

Batay sa report ng Sta. Rosa City police, tinatahak ng biktima ang Balibago-Tagaytay Road ngunit pagsapit sa isang intersection at sumalpok ito sa kongkretong poste.

Isinugod ang biktima sa The Medical City Hospital ngunit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas. (NILOU DEL CARMEN)

76

Related posts

Leave a Comment