BULACAN NAGTALA NG 73 RECOVERIES SA COVID-19

BULACAN – Nakapagtala ang pamahalaang panlalawigan ng Bulacan, sa pamamagitan ng Provincial Health Office-Public Health, ng kabuuang bilang na 73 COVID-19 na mga pasyente na gumaling na mula sa nasabing virus.

Ayon kay Gobernador Daniel Fernando, isa umano itong mabuting balita na sa kabila nang paglobo ng kaso ay patuloy rin ang pagtaas ng bilang ng mga gumagaling sa lalawigan.

Samantala, umabot na sa kabuuang 784,822 food packs ang naipamahagi ng pamahalaang panlalawigan sa mga Bulakenyo simula nang ipairal ang lockdown at patuloy ang isinasagawang relief operations.

Ayon kay Dr. Jocelyn Gomez, pinuno ng PHO-PH, nagtala ang Lungsod ng San Jose del Monte ng 12 bilang ng mga gumaling na pasyente; ang Lungsod ng Malolos at ang bayan ng Bulakan ay kapwa nagtala ng 7 pasyenteng gumaling na; sa Bocaue na may 5 pasyenteng gumaling; sa mga bayan ng Calumpit, Santa Maria at Lungsod ng Meycauayan ay parehong mayroong tig-4 ang gumaling na pasyente; sa mga bayan ng Pandi, Guiguinto at San Rafael ay may tig-3 bilang ng gumaling; mga bayan ng Angat at Pulilan na bawat isa ay nagtala ng 2 pasyente na gumaling; at ang mga bayan ng Balagtas, Bustos, Hagonoy at San Ildefonso ay tig-iisa ang naitalang pasyenteng gumaling mula sa COVID-19. (ELOISA SILVERIO)

68

Related posts

Leave a Comment