BULKANG KANLAON NAKATAAS PA RIN SA ALERT LEVEL 2

NAKATAAS sa alert level 2 status ang bulkang Kanlaon sa nakalipas na magdamag, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Huwebes.

Nabatid sa Phivolcs, iniulat ang isang volcanic earthquake sa paligid ng bulkan nitong Huwebes.

Iniulat din ng Phivolcs ang pagbuga ng usok sa bunganga ng bulkan na may 300 metrong taas at ang pamamaga ng bulkan.

Sinabi pa sa Phivolcs, ipinagbabawal ang pagpasok sa apat (4) na kilometrong (4 km) radius Permanent Danger Zone (PDZ).

Hindi rin pinahihintulutan ang paglipad ng anomang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan dahil sa banta ng pagputok ng bulkan.

Kaugnay nito, nagbabala rin ang ahensya na maaaring maganap ang biglang pagputok ng bulkan dahil sa patuloy na pag-aalburoto nito. (PAOLO SANTOS)

60

Related posts

Leave a Comment