BUNTIS AT MISTER DEDBOL SA BUNDOL

OTABATO – Patay ang isang buntis at ang kanyang mister makaraang salpukin ng kasalubong na sasakyan habang lulan ng motorsiklo, iniulat nitong Martes ng umaga sa lalawigang ito.

Kinilala ang mga biktimang sina Jelly Padayao, 4-buwang buntis, beauty advisor, at Aladin Dagan Edol, 32-anyos, technician at residente ng Pikit, Cotabato.

Habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si Ansalo Abdulasam Nasser.

Batay sa report ng Matalam Police Station, nangyari ang insidente sa Brgy. Manubuan, Matalam, North Cotabato.

Lumabas sa imbestigasyon, sakay ang mag-asawa ng motorsiklo para ihatid ni Edol si Padayao sa trabaho nito sa Kidapawan City ngunit pagsapit sa nasabing lugar, nakasalubong nila ang Toyota Innova na minamaneho ni Nasser.

Biglang pumutok ang gulong ng sasakyan ni Nasser dahilan para mabilis itong sumalpok sa mga biktima na dumanas nang matinding pinsala sa ulo at katawan.

Agad dinala sa pagamutan ang mag-asawa ngunit idineklarang patay na ang mga biktima.

Nakatakdang sampahan ang suspek ng kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide. (ANNIE PINEDA)

 

104

Related posts

Leave a Comment