CALABARZON, NO. 1 PA RIN SA BAKUNAHAN

NANGUNGUNA pa rin ang rehiyon ng Calabarzon sa may pinakamaraming indibidwal na nabakunahan sa isinagawang una at ikalawang araw ng Bayanihan, Bakunahan 2, base sa ulat ng DOH Regional Daily Accomplishment Vaccination Report noong Disyembre 16, 2021.

Umabot sa 113,147 ang mga nabakunahan kung saan may pinakamaraming nabakunahan sa lalawigan ng Batangas, 33,122; sumunod ang Cavite, 24,880; Quezon, 19,277; Rizal, 18,8446, at Laguna, 17,422.

Ayon kay DOH 4-A Regional Director Ariel Valencia, “We will endeavor to vaccinate each and every eligible resident and achieve our target of at least 70% herd immunity. Magkakaroon pa rin po ng mga walk-in vaccination sites sa mga lokal na pamahalaan sa lahat ng mga probinsya upang magkaroon ng tuloy-tuloy na bakunahan,”.

Lubos din ang panghihikayat ng kagawaran sa mga hindi pa nakatatanggap ng bakuna dahil ang Omicron variant ay nakapasok na sa bansa.

“I advised every resident to complete their vaccination, i.e., first and second dose plus booster jab, to be well protected against any variant of the COVID-19 virus. Huwag po tayong mangamba sa bagong banta ng Omicron, lalo na kung kumpleto naman ang inyong mga bakuna. Kaya sa mga hindi pa nabakunahan ay magpabakuna na upang kayo ay magkaroon ng proteksyon laban dito,” ani ni Valencia.

Ang 3-Day National Vaccination program ng pamahalaan ay natapos nitong Biyernes, Disyembre 17, habang sa Disyembre 20 hanggang 22 naman gaganapin ang 3-day “Booster Vaccination Drive” para sa mga kumpleto na sa una at ikalawang dose ng bakuna. (CYRILL QUILO)

1

Related posts

Leave a Comment