CANTEEN NASUNOG DAHIL SA LUMIYAB NA LPG TANK

BATANGAS – Sumabog ang isang LPG tank sa isang canteen na naging sanhi ng sunog noong Miyerkoles sa Brgy. San Rafael, Sto. Tomas City sa lalawigang ito.

Ayon sa ulat ng isang concerned citizen sa Sto. Tomas City Police, bandang alas-7:50 ng umaga nang sumiklab ang LPG tank sa isang canteen na pagmamay-ari ni John Xavier Medalla y Laura ng nabanggit na lugar.

Agad nagresponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection, sa pangunguna ni SFO1 Bernard P. Zaraga, upang apulain ang apoy.

Walang naiulat na nasugatan sa nasabing insidente ngunit umabot sa P200,000 halaga ng mga ari-arian ang nasunog.

Samantala, nagpapaalala ang BFP sa mamamayan na ugaliin ang pag-iingat tuwing gagamit ng kalan. (CYRILL QUILO)

46

Related posts

Leave a Comment