CHECKPOINT INARARO NG LASING NA TSUPER

SUGATAN ang isang pulis nang araruhin ng koste na minamaneho ng lasing na lalaki ang kanilang checkpoint sa San Pedro City, Laguna, kaninang madaling araw.

Isinugod sa Jose Amante Hospital sa naturang lungsod ang biktimang si Pat. Niko Malabanan Aquino, miyembro ng San Pedro police.

Batay sa report, ang biktima kasama ang iba pang pulis ay nasa kanilang tent sa control checkpoint sa boundary ng Muntinlupa City at San Pedro nang bigla itong araruhin ng Toyota Corolla na minamaneho ni Alvin Oliva Cariño.

Hindi naman nasugatan ang iba pang pulis na nasa checkpoint.

Patungo umano sa Muntinlupa city ang nakainom na driver nang malingat ito sa manibela dahil sa kalasingan.

Nasalpok din ng kotse ang isang nakaparadang motorsiklo.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act no. 10586, o driving under the influence of alcohol at reckless imprudence resulting to physical injuries and damage to properties si Cariño. (NILOU DEL CARMEN)

85

Related posts

Leave a Comment