CHICKEN DEALER TINARAKAN SA LEEG, PATAY

CAVITE – Patay ang isang lalaki makaraang saksakin ng kutsilyo sa leeg ng kapwa chicken dealer habang nagpapahinga sa duyan sa bayan ng Magallanes sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Rico Rosette, nasa hustong gulang, dealer ng Top 7 Chicken habang ang suspek ay si Daniel Cecista, kapwa nito dealer sa nasabi ring kumpanya.

Ayon sa ulat ni P/Corporal Mar Jay Bencito ng Magallanes Police, dakong alas-2:30 ng hapon habang nagpapahinga sa duyan ang biktima sa isang tindahan sa Sitio Sumandal, Brgy. Kabulusan, Magallanes nang lapitan ng suspek at tinarakan ng kutsilyo sa leeg.

Tumakas ang suspek sakay ng isang Isuzu Elf na may plakang NAG-9487. (SIGFRED ADSUARA)

61

Related posts

Leave a Comment