CHINESE TIKLO SA PAGTUTULAK NG PEKENG YOSI

CAVITE – Inaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Cavite sa entrapment operation ang isang Chinese national dahil sa pagbebenta ng pekeng sigarilyo sa Bacoor City, sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng gabi.

Kasong paglabag sa RA 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines ang isinampa laban sa suspek na si Aaron Wong y Lui, nasa hustong edad.

Ayon sa ulat, dakong alas-7:30 a ng gabi, nagsagawa ng entrapment operation ang mga operatiba ng CIDG-Cavite sa ilalim ng Oplan Mega Shopper, sa parking lot ng isang mall sa Brgy. Habay 2, Bacoor City, Cavite.

Nag-ugat ang nasabing operasyon mula sa isang concerned citizen na dumulog sa kanilang tanggapan, na nakaranas ng pananakit sa kanyang lalamunan at paninikip ng dibdib matapos na makaubos ng isang pakete ng sigarilyong Marlboro na kanyang binili sa suspek.

Dahil dito, nagsagawa ng test buy ang CIDG at sa eksaminasyon mula sa pamunuan ng Marlboro, lumabas na peke ang ibinibentang sigarilyo dahilan upang magsagawa ng entrapment operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek. (SIGFRED ADSUARA)

37

Related posts

Leave a Comment