CORDILLERA REGION MAY PINAKAMARAMING CLASS SUSPENSION

NAKAPAGTALA ng kabuuang 35 class disruption o suspension ang Cordillera Administrative Region (CAR) ayon sa Department of Education (DepEd) dulot ng sunod-sunod na mga kalamidad at natural disaster ngayong taon.

Ito ang inihayag ni DepEd Secretary Sonny Angara sa isang pagtitipon kasama ang National Management Committee (ManComm) na isinagawa sa Tacloban City, Leyte.

Layunin nang nasabing pagtitipon na pag-aralan kung ano ang gagawing mga pagkilos ng ahensya upang matugunan at masapatan ang nawalang mga pagkakataon sa pag-aaral ng mga estudyante.

Sinabi pa ni Angara na ang iba pang lubhang apektado na mga rehiyon ay ang Region 1, 2, 3 at 4-A na nakapagtala ng halos 29 na class disruptions bawat isa kung saan kalakip ang sunog sa paaralan maliban pa sa kalamidad.

Iniulat din sa nasabing pagtitipon na mayroong 239 paaralan sa ibang bahagi ng bansa na itinuturing na “very high risk” pagdating sa paulit-ulit na pinsalang nararanasan dahil sa natural na mga kalamidad na kung saan apektado ang 377,729 na mga estudyante.

Karagdagan pa, nasa 4,771 na mga eskuwelahan naman ang naitala sa kategoryang “high risk” kung saan nasa 3, 865, 903 mga mag-aaral ang naapektuhan.

Isa sa mga solusyon na napag-usapan ay ang tinatawag na Dynamic Learning Program (DLP) upang matiyak ang tuloy-tuloy na pag-aaral ng mga bata lalo na sa apektadong mga rehiyon.

Maaari itong ipatupad sa mga eskuwelahan bilang make-up classes o catch-up na mga sesyon sa mga pansamantalang itinayo na mga istraktura para sa pag-aaral.

Ang nasabing inisyatiba ay kinapapalooban ng msa parallel classes, activity-based engagement, student portfolios ang ang polisiya na nagbabawas sa mga araling bahay.

Si Dr. Christopher Bernido, isang education advocate at Ramon Magsaysay Awardee ang nag-develop ng DLP, kung saan malaking bagay ani Angara ang pagkanaroroon ni Bernido sa ManComm.

Inihayag ng DepEd ang isa pang solusyon nang ipakilala nito ang online learning content platform na ginawa ng Khan Academy, isa pang partner ng ahensya. (NEP CASTILLO)

49

Related posts

Leave a Comment