COTABATO MALL BOMBER HULI SA BOL RALLY

usman

HINDI pa batid ng pulisya ang motibo ng dinampot na suspect sa pambobomba ng mall sa Cotabato noong bisperas ng Bagong Taon ngunit malaki umano ang posibilidad na manggugulo na naman ito sa isinagawang peace rally ng Bangsamoro Organic Law.

Si Datu Muhaliden Usman, ng Barangay Rosary Heights 3, Cotabato City ay dinampot kasabay ng Peace Assembly for the Ratification ng BOL sa Shariff Kabunsuan Complex Bangsamoro Palace sa Cotabato City.

Ang okasyon ay dinaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Usman ay nakunan ng CCTV na umano’y naglagay ng bomba sa South Seas Mall kung saan dalawa katao ang namatay at marami ang sugatan.

Sinabi sa report na nagpanggap umano ang suspect na miyembro ng MILF Secretariat ngunit namukhaaan sya ng mga otoridad kaya dinampot at dinala sa tanggapan ng CIDG-ARMM.

Sinasabing tauhan umano ni Sheik Esmail Abdumalik, alyas Kumander Abu Taife, ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF-ISIS inspired group) si Usman.

Nang malaman ng pamilya, agad silang sumugod at itinanggi na sangkot sa pambobomba si Usman. Patuloy ang imbestigasyon sa suspect.

10

Related posts

Leave a Comment