DALAW SA KULUNGAN, HULI SA PASALUBONG NA DROGA

CAVITE – Deretso sa kulungan ang isang babaeng dalaw sa isang preso makaraang mahulihan ng ilegal na droga na nakasiksik sa pagkaing dala nito sa piitan sa Imus City, noong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang suspek na si alyas “Jemie”, isang dalaw sa Imus City Component Station Lock-up Cell.

Ayon sa ulat, bandang alas-5:40 ng hapon nang dumalaw si Jemie sa Imus City Police Station Lock-up cell sa Brgy. Malagasang 1G, Imus City, bitbit ang pagkain at ilang personal na gamit para sa isang Person Under Police Custody (PUPC) na hindi pinangalanan.

Nang inspeksiyunin ni Police Staff Master Sergeant Edmund Camino ang dala nitong pagkain, nakalkal ang inihalong sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng tinatayang mahigit sa 1 gramo, na may market value na P6,800, na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto. (SIGFRED ADSUARA)

44

Related posts

Leave a Comment