DALAW SA PIITAN TIMBOG SA PASALUBONG NA SHABU

CAVITE – Arestado ang isang dalaw na babae makaraang makumpiskahan ng ilegal na droga na inihalo sa pagkain na pasalubong sa kanyang kinakasamang isang Persons Under Police Custody (PUPC) sa Imus City noong Lunes ng umaga.

Nasa kustodiya na ng ng Imus City Police Station ang suspek na si alyas “Shiela”.

Ayon sa ulat, bandang alas-10:00 ng umaga, habang nagsasagawa ng inspeksyon si Pat. Paul Michael Falculan sa mga dala ng mga dalaw sa Imus Component City Lock-Up Cell sa Brgy. Malagasang 1-G, Imus City, nang may mapansin ito sa dalang pagkain ng suspek.

Nang halukayin ang pagkain, natagpuan sa ilalim nito ang hinihinalang shabu na tinatayang P6,800 ang street value.

Bunsod nito, pinigil ng mga awtoridad ang suspek at inaresto. (SIGFRED ADSUARA)

50

Related posts

Leave a Comment