ISA na namang 5.3-magnitude earthquake ang yumanig sa Davao Oriental, Huwebes ng umaga, ilang oras matapos yanigin ng 6.3 magnitude ang ilang bahagi ng Mindanao.
Bandang alas-4:53 ng umaga nang maganap ang lindol sa 120 kilometers northeast ng Manay town.
Naitala rin ang intensity 3 sa Alabel, Sarangani, intensity 2 sa Tupi at General Santos City sa South Cotabato, at intensity 1 sa Kiamba, Sarangani.
Sinabi ng Phivolcs na ang lindol ay hindi aftershock ng naunang liondol na tumama sa Tulunan, North Cotabato, Miyerkoles ng gabi.
Hindi inaasahang lilikha ng pinsala ang lindol ngunit inaasahan ang mga aftershock.
Ang lindol sa North Cotabato ay naramdaman sa ilang bahagi ng Mindanao at nag-iwan ng apat na kataong patay at higit sa 30 sugatan.
208