DAVAO ORIENTAL NIYANIG NG 6.5 MAGNITUDE EARTHQUAKE

INAALAM na ng National Disaster Risk Reduction Management Council kung may pinsalang dinulot ang naitalang 6.5 magnitude earthquake kahapon sa Davao Oriental.

Unang napaulat na magnitude 6.6 ang tumama sa Davao Oriental, Huwebes ng hapon.

Naitala ang pagyanig 437 kilometers southeast ng bayan ng Governor Generoso bandang 4:49 hapon.

May lalim na 177 kilometro at tectonic ang origin ng pagyanig na naramdaman din sa Kiamba at Glan, Sarangani (Intensity 3); Tupi, T’boli at Lake Sebu, South Cotabato; General Santos City (Intensity 2) habang Intensity 1 sa Zamboanga City. JESSE KABEL

117

Related posts

Leave a Comment