Dayaan sa cara y cruz nadiskubre KAPUSTAHAN PINANA SA DIBDIB

0

CAVITE – Nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang 32-anyos na lalaki makaraang panain sa dibdib ng kanyang kapustahan sa cara y cruz sa Dasmariñas City nitong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ang biktimang ginagamot sa DLSU Medical Center na si Wilson Bariso ng Brgy. San Jose, Dasmariñas City, habang arestado naman ang suspek na si Edgar Villanueva, 51, ng nasabi ring lugar.

Ayon sa ulat ni Corporal Aaron John Golo ng Dasmariñas City Police, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa Brgy. San Jose, Dasmariñas City.

Napag-alaman, naglalaro ng cara y cruz ang biktima kasama mga kaibigan nito nang dumating ang suspek at nag-alok ng ilaw sa kanilang paglalaro kapalit ng bayad na P100 bilang upa.

Nakipaglaro rin umano ang suspek ngunit napansin ng biktima na tila dinadaya sila ni Villanueva naging dahilan ng kanilang pagtatalo.

Pagkaraan ay nagpaalam ang suspek na iihi ngunit dumiretso ito sa kanilang bahay at nang bumalik ay may dalang pana at pinana sa dibdib ang biktima.

Tinangkang tumakas ang suspek ngunit nadakip ng mga barangay tanod na nagpapatrulya sa lugar. (SIGFRED ADSUARA)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment