DEATH TOLL SA TS ENTENG: 15

UMAKYAT na sa 15 ang bilang ng mga nasawi sanhi ng tropical storm Enteng, habang may 21 ang iniulat na nawawala, ayon sa nakalap na ulat ng Office of Civil Defense (OCD).

Sa situation briefing sa NDRRMC, inihayag ni OCD Operations Service Director Cesar Idio, kabilang sa mga reported death ang walong naitala sa Rizal; dalawa sa Cebu City; dalawa sa Northern Samar; dalawa rin sa Naga City; at isa sa Negros Occidental.

Karamihan sa mga nasawi ay bunsod ng pagkalunod at landslides. Samantala, dalawa ang iniulat na nawawala sa Northern Samar, tatlo sa Samar, isa sa Biliran bunsod ng naganap na flash flood, habang may 15 mangingisda ang iniulat na nawawala sa Camarines Norte.

Labing-lima naman iniulat na nasaktan sa Cebu City, Naga City, at Northern Samar, hindi kasama sa ulat ang mga reported injured sa Rizal sanhi ng landslides.

Umabot naman sa 21,681 families, o 88,077 katao ang nawalan ng tirahan o napilitang lumikas sa kasagsagan ng bagyo na nagpabaha sa 121 cities or municipalities, bukod pa sa naitalang 14 na insidente ng landslides.

Samantala, nakipagpulong kahapon si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa iba’t ibang mga ahensya ng gobyerno na nasa ilalim ng National Disaster Risk Reduction Management Council para tutukan ang isinasagawang relief operations sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Enteng na pinalala pa ng nararanasang Southwest Monsoon o habagat.

Inatasan ni Pangulong Marcos ang Office of Civil Defense, ang chief operating arms ng NDRRMC, na laging magsumite ng updated reports hinggil sa naging epekto ng severe tropical storm ‘Enteng’, sa ginanap na pagpupulong sa Camp Aguinaldo sa Quezon City kahapon.

“The President has ordered a whole-of-government approach to address the effects of the recent calamity which brought extensive damage to parts of Luzon, Visayas and the National Capital Region (NCR) this week,” ayon kay NDRRMC director and spokesperson Edgar Posadas. (JESSE KABEL RUIZ)

63

Related posts

Leave a Comment