DELIVERY MAN DINUKOT, PINATAY NG ‘5 POLICE OFFICERS’?

MAGKATUWANG na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Carmona City Component Police Station at Tanauan City Police Station, hinggil sa insidente ng umano’y pagdukot at pagkamatay ng isang Foodpanda delivery man at pagkakasugat ng isang online seller.

Kinilala ang namatay na si John Mark Samonte, 24, habang sugatan ang kasama nitong si Marithe Ashley Tila, 21.

Nagsasagawa naman ng dragnet operation ang pulisya sa isang itim na Mitsubishi Montero na may plakang NCK 5430, na ginamit ng mga suspek, at isang itim na Toyota Wigo na may plakang ABT 2885, na pagmamay-ari ng biktima na tinangay ng mga suspek.

Una rito, batay sa ulat ng Carmona CPS, dinukot ang mga biktima bandang alas-7:30 ng gabi noong Martes sa Brgy. Maduya, Carmona City, ng limang kalalakihan na nagpakilalang mga police officer.

Batay naman sa ulat ng Tanauan City, Batangas Police Station, nakatanggap sila ng report ng pamamaril sa Sitio Malipa, Brgy. Malipa, Brgy. Malaking Pulo, Tanauan City, Batangas bandang alas-9:40 noong Martes ng gabi kung saan namatay si Samonte habang sugatan si Tila.

(SIGFRED ADSUARA)

37

Related posts

Leave a Comment