DND UMAPELA SA PUBLIKO VS PAGSABOG SA SULU

indanan sulu12

(NI NICK ECHEVARRIA)

UMAPELA ang Department of National Defense (DND) sa publiko na patuloy na maging mapagbantay kasunod ng dalawang pagsabog sa tactical command post ng 1st Brigade Combat Team (IBCT) ng Philippine Army sa Barangay Kajatian, Indanan, Sulu na ikinasawi ng walo katao kabilang ang tatlong sundalo habang 22 naman ang nasugatan nitong  June 28.

“The DND calls for continued vigilance in light of the recent bombings in Sulu which led to the very unfortunate loss of lives, both civilian and military. We extend our sympathies to the victims of this heinous act, and vow to hunt down those who are responsible,”  pahayag ni Defense  spokesperson Arsenio Andolong na ipinadala sa media.

Idinagdag pa  ni Andolong na ang naganap na pambobomba ay patunay lamang na kailangang magtulungan ang publiko at mga security agency ng bansa para labanan at pigilan ang mga violent extrimism sa komunidad at mapanatili ang kapayapaan sa bansa, partikular sa rehiyon ng Mindanao.

Gayunman, ipinaalam ni Andolong sa publiko na nagsasagawa na ang gobyerno ng malalimang imbestigasyon sa pag-atake at hindi titigil hanggang hindi napapanagot ang mga responsable sa fatal bombing  sa Sulu.

Samantala, mariin namang kinondena ni Armed Forces Chief of Staff General Benjamin Madrigal Jr. ang pambobomba na bumiktima hindi lamang sa mga sundalo na ang tanging layunin ay mapanatili ang katahimikan pati na rin sa mga inosenteng sibilyan na nasa lugar ng pagsabog na aniya’y isang karuwagan.

Ginawa ni Madrigal ang pahayag kasunod ng pagbisita sa mga tropa ng IBCT, kasama ang bagong comamander ng AFP-Western Mindanao Command na si MGen. Cirilito Sobejana, para personal na alamin ang sitwasyon maliban sa pagsasagawa ng ocular inspection.

Binisita rin at ginawaran ng Wounded Personal Medal ni Madrigal ang mga miyembro ng IBCT sa Camp Teodulfo Bautista Station Hospital sa Jolo, na nasugatan sa marahas na insidente.

161

Related posts

Leave a Comment