DRUG DEALER, KA-LIVE-IN PATAY NANG MANLABAN

BULACAN – Patay ang hinihinalang drug dealer at kanyang live-in partner makaraang manlaban sa pinagsanib na mga operatiba ng Bulacan Provincial Intelligence Branch(PIB) at Pulilan police habang nakorner 21 iba pang drug suspects sa lalawigang ito noong Martes.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, ang napatay na suspek na si Froilan Orillos y Carlos, at ang kinakasama niyang si Leah Lucas y Talastas.

Base sa report ni P/Major Jansky Andrew S. Jaafar, acting chief ng Bulacan PIB, dakong ala-1:10 noong Martes ng hapon nang magkasa ng buy-bust operation ang ang mga awtoridad laban sa mag-live-in partner.

Ngunit nakatunog si Orillos na awtoridad ang katransaksiyon kaya mabilis na sumakay ang magka-live-in sa putting Honda CRV (XMT-642) at tumakas.

Habang tumatakas ay nakipagpalitan umano ng putok si Orillos sa humahabol na mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng dalawa.

Samantala, 21 pang drug suspect ang nadakip ng Bulacan PIB at Station Drug Enforcement Unit(SDEU) sa mga bayan ng San Ildefonso, Plaridel, Meycauayan City, Malolos City, Sta.Maria at Norzagaray. (GINA BORLONGAN)

158

Related posts

Leave a Comment